Isang bongga at star-studded na triple celebration ang ginanap sa bagong mala-mansion na renovated house (sa Retiro, Sampaloc Manila) ng itinuturing na Lord of Scents na si Joel Cruz noong nakaraang February 19, 2015 (Thursday).
Ang celebration ay para sa kanyang 50th Birthday, Blessing ng kanilang bagong bahay at Chinese New Year Celebrations. Hosts sina Johnny Midnight at Paulene Luna sa nasabing celebration. Isa sa mga highlights ng kaarawan ni Joel Cruz ay ang mala mini-concert ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano.